MANILA- Aabot sa P4.7 bilyon ang budget surplus ng Kamara noong 2022 kahit pa lumaki ang gastos nito ng P934.41 milyon.
Batay sa datos ng Commission on Audit (COA), mula sa P2.64 bilyon noong 2021 ay tumaas ng 78 porsyento ang budget surplus ng Kamara.
Ayon sa 2022 Financial Statements ng House of Representatives ang gastos nito sa Personnel Services (PS), Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), Financial Expenses, at Non-Cash Expenses ay nasa P17.18 bilyon mas mataas sa P16.25 bilyon noong 2021.
Mula sa P4.8 bilyon ang gastos sa Personnel Services ay naging P4.86 bilyon.
Ito ay matapos tumaas ang sahod kaugnay ng ipinatupad na Salary Standardization Law.
Tumaas naman ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) mula P11.265 bilyon noong 2021 ay naging P12.13 bilyon noong nakaraang taon. I via Anna Gob