
Nagbabala ang pamunuan Bureau of Internal Revenue (BIR ) kamakailan sa publiko na huwag tangkilikin ang mga online seller na nag-aalok ng serbisyo para sa pagproseso ng kanilang Taxpayer Identification Number (TIN) card.
Nadiskubre ng BIR na dagsa sa Shopee, Lazada, Facebook at iba pang social media platform ang mga online seller na nag-aalok ng TIN ID assistance sa murang halaga.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., ilegal at peke ang mga ito.
“TIN Cards are not for sale, and are only issued or released by the BIR through its authorized personnel. Do not get TIN cards from unauthorized BIR Personnel, non-BIR personnel or through Facebook, Shoppe, Lazada and other online selling platforms, because they are considered illegal, fraudulent, and fake,” pagbibigay diin ni Lumagui.
Payo ni Lumagui sa mga nagnanais na kumuha ng TIN card, makipag-transaksyon lamang sa mga awtorisado nilang tauhan at tanggapan upang hindi mabudol ng mga scammer. I via Anna Gob
#BIR Philippines