Magdaraos ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng logo contest para sa bago nitong slogan.
Ang mananalo sa logo design contest ng TESDA ay mag-uuwi P10,000 at certificate of recognition.
“The logo shall conceptualized and design using the agency’s new TESDA slogan,’Lingap ay Maaasahan,” ayon pahayag ng ahensya sa kanilang Facebook page.
Tumanggi ang TESDA na ihayag kung magkano ang kanilang budget allocation para sa naturang contest.
Matatandaang ang Department of Tourism (DOT) at ang Philippine Amusement and Gaming Corp. o PAGCOR ay naglunsad kamakailan ng mga kampanyang rebranding na umani ng batikos mula sa publiko at nagbunsod ng mga panawagan para sa imbestigasyon ng kongreso.
Ang nakakontratang ad agency ng DOT ay nanalo ng P49.92-milyong kontrata bago natapos ang kanilang serbisyo noong Hulyo 3, habang ang Pagcor ay gumastos ng P3 milyon para sa bago nitong logo. I via Anna Gob
TESDA Facebook