
Hinirang si Lt. Gen. Romeo Brawner bilang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ayon sa pahayag ng Malacañang noong Miyerkoles, Hulyo 20.
Papalitan ni Brawner si Gen. Andres Centino, na muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa puwesto sa unang bahagi ng taong ito.
Idinagdag ng Palasyo na si Centino ay magiging Presidential Adviser sa West Philippine Sea.
Si Brawner ay naging commanding general ng hukbo mula noong 2021.
Siya ay mula sa Philippine Military Academy Class of 1989 at nagsilbi ng 34 na taon. I via Anna Gob
PCO