
Walang nakikitang problema o legal na isyu sa posibleng paglipat ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), isang attached agency ng Department of Health (DOH), sa Office of the President (OP), ayon sa Department of Justice (DOJ).
“We advised that there is no legal issue on the possible transfer of the PhilHealth to the OP because it is a legitimate exercise of the president’s power of control over the executive department, bureaus, and offices, which justifies a executive action to carry out reorganization mga hakbang upang matiyak ang mahusay na burukrasya,” ayon sa naging pahayag ni DOJ Usec. Raul Vasquez.
Sinabi ni Vasquez na ayon sa Administrative Code of 1987, may karapatan ang pangulo na muling isaayos ang kaniyang opisina upang mapatakbo nang mas mahusay ang gobyerno.
Dagdag pa ng DOJ, ang panukalang paglilipat ng PhilHealth ay nasa prerogative ng pangulo para i-streamline ang implementasyon ng National Health Insurance Program (NHIP).
Nauna nang nagpahayag ng pagkabahala ang isang senador sa panukalang paglilipat, at sinabing hindi dapat talikuran ng DOH ang mga responsibilidad nito sa pagpapatupad ng Universal Health Care Law. I via Anna Gob
Business Mirror