Pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) ang posibilidad ng paggamit ng Bivalent vaccines bilang una at pangalawang booster shot, ayon sa isang opisyal noong Lunes, Hulyo 17.
“Marami ang umaapela sa amin na kung puwede ay ‘yong bivalent COVID vaccine namin ay maibigay na as first and second booster. Ito ngayon ay pinag-aaralan namin,” pahayag ni DOH Undersecretary Enrique Tayag.
Hindi tinukoy ng opisyal ng kung sino ang mga nag-apela ngunit binanggit na isa sa kanila ang mga Mayon evacuees .
Idinagdag niya na ang unang batch ng higit sa 390,000 dosis ng Bivalent COVID-19 na mga bakuna na naibigay ng gobyerno ng Lithuanian noong nakaraang buwan ay inilaan lamang bilang third booster.
“Binukod po ‘yan para lamang sa third booster. Kaya lang ayaw naman naming pangalan-alang ‘yong apela lalong lalo na kung ito ay galing sa mga evacuation camps,” dagdag ni Tayag.
Noong Hunyo 26, iniulat ng Albay Provincial Health Office na apat sa libo-libong Mayon evacuees ang nagpositibo sa COVID-19.
Pero nitong Lunes, inihayag ni Tayag na wala nang aktibong kaso ng COVID-19 sa mga evacuees.
Dagdag pa niya, gumaling na ang apat na naiulat na kaso. I via Anna Gob
John Hopkins Research