ROMBLON- Isang RoRo passenger vessel ang tumagilid sa baybayin ng Barangay Nasunugan, Banton madaling araw ng Linggo, Hulyo 16.
Ayon sa pahayag ng Philippine Cost Guard (PCG), may 93 pasahero kabilang ang mga drivers at 34 crew ang sakay ng barko.
Lulan din ng barko ang 16 rolling cargoes nang mangyari ang insidente na may layong 100 metro mula sa pampang ng nasabing baybayin.
Ayon sa Captain Elmo Sumocol, tumagilid ang barko sa kaliwang bahagi nito matapos pumutok ang isang gulong ng isa sa mga rolling cargo kung saan natanggal o nasira ang lashing nito.
Nagkaroon din ng imbalance o paggalaw ng mga rolling cargoes dahilan para tumagilid at pinasok din ito ng tubig.
Agad namang naibaba ang mga pasahero gamit ang lifeboat.
Tumulong din ang PCG team at mga lokal na pampasaherong bangka upang ligtas na maibaba ang mga pasahero.
Kasalukuyang nasa Barangay Nasunugan Covered Court ang mga pasahero ng barko upang suriin ang kanilang kalagayan at mabigyang ng karagdagang tulong.
Nananatili naman ang mga drivers sa barko upang bantayan ang kanilang rolling cargoes kasama ang 32 crew members. I via Anna Gob
Banton MDRRMO