Tatlong pagkaing Pinoy ang nakapasok sa listahan ng pinakamasarap na street food sweets sa mundo, ayon sa online travel guide na TasteAtlas.
Ang paboritong matamisin sa umaga na taho ay mula sa tofu, sinahugan ng arnibal, at maliliit na sago ay pumasok sa ika-25 na puwesto.
Samantala, nasa ika-37 puwesto naman ang maruya o banana fritters. Ito ay gawa sa minasang saging na saba, pinirito, at nilagyan ng asukal. Ang banana-based snack na ito ay pumasok sa ika-50 na puwesto sa pinakamasarap na deep-fried dessert sa mundo.
Habang ang chewy rice cake na espasol na isang delicacy mula sa lalawigan ng Laguna ay nakapasok din sa ika-44 na puwesto. Ang Espasol ay gawa sa malagkit na dahan-dahang niluluto sa gata ng niyog.
Nanguna naman sa listahan ang pastel de nata o egg tart ng Portugal. Ang tart ay binudburan ng cinnamon powder sa ibabaw at masarap ipares sa mainit na kape. I via Anna Gob