
Iginawad ng lokal na pamahalaan ng General, Nakar, Quezon ang cash incentive sa dalawang nonagenarians na may edad 90 at 95 years old noong Lunes, Agosto 7.
Pinangunahan ni Mayor Esee Ruzol ang paggagawad ng 30,000 pesos para kay Lola Bernardina na may edad 90 years old at 40,000 pesos naman para kay Lola Nievez na may edad 95 years old.
Ang cash incentive ay bilang pagkilala at pagpupugay ng lokal na pamahalaan sa kanilang kontrobusyon sa lipunan.
Samantala, inaprubahan noong Mayo 8, 2023 ng House of Representative sa Third and Final Reading ang panukalang batas na nagtataas ng cash gift para sa mga Filipino centenarian na umaabot sa 101 taong gulang mula P100,000 hanggang P1 milyon sa hangaring parangalan at suportahan sila.
Sa pagdinig ng House Comiittee noong nakaraang taon, sinabi ni Department of Social Welfare and Development Sec. Iniulat ni Erwin Tulfo na mayroong 662 Filipino centenarians sa bansa. (Anna Gob)
(Larawan mula sa LGU General Nakar)

