
Tumaggap ang nasa 965 na magpapalay mula sa limang bayan ng Quezon ng tig-limang libong pisong tulong-pinansyal mula sa Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa Tayabas City kamakailan.
Ang naturang pamamahagi ay bahagi ng programang Rice Competitiveness Enhancement Fund- Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) upang matulungan ang mga magsasaka sa kanilang gastusin sa sakahan.
Pinangunahan ng DA-4A Rice program at Agricultural Program Coordinating Office katuwang ng lokal na pamahalaan ng mga bayan ng Lucban, Pagbilao, Mauban, Sampaloc at Tayabas City, Quezon at tanggapan ni 1st District Cong. Mark Enverga ang naturang aktibidad. (Anna Gob)


DA RFO IV+A