
Pinagtibay ng House Ways and Means Panel ang House Bill 376 o Motor Vehicle Road Usersโ Tax (MVRUT) na nagtatakda ng dagdag na buwis sa mga sasakyan, ayon kay committee chairperson Albay Representatative Joey Salceda.
Pahayag ni Salceda, ang buwis ay isa sa mahahalagang sukatan ng kita na binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address o SONA noong Lunes July 24,2023.
Aniya, ang batas na Republic Act No. 8794 o ang Motor Vehicle Usersโ Charge ay naipasa mahigit 23 taon na ang nakararaan at inamyendahan sa ilalim ng House Bill 376.
Ayon kay Salceda, hindi bababa sa P274 bilyong pondo ang malilikom ng gobyerno mula sa road user tax charges sa susunod na limang taon.
Maglalaan din ng 45% ng incremental revenues sa PUV modernization program ng gobyerno at 5% para sa road crash prevention programs. (Anna Gob)