Pinalawig pa ng Department of Information and Communications Technology ng limang araw ang SIM card registration.
Ayon sa SIM Registration Act, ang mga user ay may limang araw upang irehistro ang kanilang card.
Ngayong Hulyo 30 ang deadline ng SIM card registration.
Sa pagpaparehistro, makatatanggap ang user ng one-time PIN ayon sa National Telecommunications Commission.
Upang ma-activite ang SIM, kailangang kumonekta sa isang WiFi network at pumunta sa website ng kanilang mobile service provider. Maaari din silang pumunta sa kanilang mga telco provider’s hub at i-reactivate ang SIM doon.
Samantala, ayon sa datos ng DICT, umabot na sa 105.2 milyong SIM cards ang nakarehistro sa bansa.
Sa naturang bilang, 49,740,428 ang nakarehistro sa Smart, 48,019,084 sa globe, at 7,500,828 ang DITO subscribers. (Anna Gob)