
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang opening ceremony ng 2023 Palarong Pambansa, ang pinakamalaking youth sporting event sa bansa kalahok ang mga elementary at high school student-athletes sa Marikina Sports Center, Marikina City noong Lunes, Hulyo 31, 2023.
Pagkatapos ng tatlong taong pahinga dahil sa COVID-19 pandemic ay muling binuksan ng Deaprtment of Education o DepEd ang Palarong Pambansa na may temang ‘Batang Malakas, Bansang Matatag. .
Humigit-kumulang 9,172 na atleta, coach at opisyal mula sa 17 rehiyon ng bansa ang makikipagkumpitensya sa 34 na palaro mula Hulyo 29 hanggang Agosto 5, 2023.
Bubuhayin din ang mga tradisyunal na larong Pilipino gaya ng ‘kadang-kadang’, ‘tumbang preso’ at ‘patintero’ bilang mga exhibition event upang mapanatili at maitaguyod ang mayamang pamana ng kultura ng bansa.
Gayundin, ang para games, weightlifting at obstacle course racing ay kabilang sa exhibition sports habang ang dance sports, pencak silat at e-sports ay magiging sentro ng stage bilang demonstration sports. (Anna Gob)


PCO