Patuloy na iimbestigahan ng International Criminal Court (ICC) ang war on drugs ng administrasyong Duterte matapos ibasura ng Appeals Chamber ng korte ang apela ng gobyerno ng Pilipinas laban sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.
Nauna nang sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na wala nang karagdagang apela pa ang gobyerno.
Ngunit idinagdag niya na ang gobyerno ay magpapatuloy ng sarili nitong pagsisiyasat upang mapanagot ang mga umano’y gumawa ng mga pang-aabuso sa panahon ng pagpapatupad ng war on drugs.
Ipinatigil ng ICC ang pagsisiyasat nito sa kampanya laban sa droga noong Nobyembre 2021 sa kahilingan ng administrasyong Duterte.
Noong Enero, pinahintulutan ng pre-trial chamber ng korte ang pagpapatuloy ng imbestigasyon dahil hindi ito kumbinsido na ang gobyerno ng Pilipinas ay nagsagawa ng mga pagsisiyasat at pag-uusig tungkol sa usapin ng war on drugs.
Noong Pebrero, ang administrasyong Marcos, sa pamamagitan ni Guevarra, ay umapela na suspindihin ang desisyon at baligtarin ang desisyon, iginiit na ang International Court ay walang hurisdiksyon sa bansa.
Tinanggihan ng ICC’s Appeals Chamber “sa kawalan ng mapanghikayat na mga dahilan” ang kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas na suspindihin ang pagsisiyasat nito habang nakabinbin ang resolusyon ng pangunahing apela ng Maynila laban sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng piskal.
Ang ICC ay walang hurisdiksyonsa pulisya ngunit sinabi nito na umaasa ito sa pakikipagtulungan sa mga bansa para sa pagsasagawa ng mga pag-aresto, paglilipat ng mga naaresto sa detention center ng korte at pag freeze ng mga ari-arian ng mga suspek. I via Anna Gob