
inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang printed ePhil ID at iba pang versions ng digital ID ay dapat kilalanin at tanggapin bilang official government-issued identification na dokumento kabilang ang tanggapan ng Department of Foreign of Affairs (DFA) at LTO.
Inanunsyo kamakailan ag PSO sa paggamit at pagtanggap ng ePhil ID at iba pang digital format Phil ID bilang sapat na katibayan ng pagkakilanlan at edad, sa pamamagitan ng authentication.
Ang ePhil ID ay ang digital na bersyon ng Phil ID o national ID na nakaprint sa papel at may kaparehong validity at functionality ng physical Phil ID card na maaring gamitin sa lahat ng transaction.
Ang ePhil ID ay sapat na patunay ng pagkakakilanlan at edad, matapos nitong dumaan sa authentication.
Ito ay magagamit sa mga transaksyon sa mga tanggapan ng pamahalaan at sa pribadong sektor.
Ang printed ePhil ID ay nagtataglay ng natatanging digital signature sa pamamagitan ng QR code nito na maaring magamit para sa authentication. I via Anna Gob
PSA