
Muling umarangkada sa Lucena City ang ‘Kadiwa ng Pangulo’ para makabili ng mas murang produkto ang mga Lucenahin.
Ito ay bilang pagtupad sa pangako ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. noong Disyembre na palalawigin niya ang serbisyo ng Kadiwa pagkatapos ng holiday season.
Ito rin ay pagbibigay ng suporta ng lokal na pamahalaan na siyang tumutulong sa mga mangingisda, magsasaka, at mga maliliit na nagnenegosyo gamit ang direct na farm-to-market consumer trade.
Tampok dito ang mga abot-kaya at de-kalidad na agri-fishery products ng mga magsasaka sa nasabi ng lungsod.
Ilan sa mga nakahilerang mga produkto sa naturang caravan ay tinapa, boneless bangus at iba’t ibang gulay.
Mabibili ang mga murang produkto sa Lucena Government Complex grounds mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. (Anna Gob)
DA-RFO IV-A
#dzdg#destinynews#kadiwastore#departmentofagriculture#lucenacity