Inihayag ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) na balak nilang tapusin ang nalalabing dalawang seksyon ng LRT-1 Cavite extension project pagdating ng taong 2027.
Ayon kay JuanAlfonso, President at Chief executive officer ng LRMC, may kasunduan sila ng gobyerno kung saan ibibigay ang buong turnover ng right of way para sa mga nalalabing segments ng LRT-1 bago simulan ang konstruksyon ng proyekto.
Balak ng kumpanya na 2027 ang maging completion date at naka-depende ito sa right-of-way acquisition kasama ang gobyerno.
Ayon sa datos ng kumpanya, 88% na ang natatapos na rate ng unang phase, habang may limang estasyon naman ang may completion rate ng 55%.
bria.com.ph