
Biyaheng Kuala Lumpur, Malaysia si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Louise Araneta-Marcos para sa isang state visit mula Hulyo 25-27, 2023.
Ito ay matapos imbitahan ng Hari ng Malaysia ang pangulo.
Makikipagpulong ang chief executive kay Prime Minister Anwar Ibrahim upang ituloy ang usaping bilateral na may kaugnayan sa agrikultura, food security,tourism, digital economy at people-to-people exchange, gayundin ang pagtukoy ng mga bagong lugar ng synergy sa pagitan ng dalawang bansa tulad ng halal na industriya at Islamic Banking.
Nakatakdang makipag-ugnayan si Pangulong Marcos Jr. sa mga pinuno ng negosyanteng Pilipino at Malaysian upang pahusayin ang kalakalan.
Makikipag-usap rin ang pangulo sa Filipino community kung saan inaasahang ipaaalam niya ang mga plano at programa ng kaniyang Administrasyon para sa mga OFWs.
Ang pagbisita ng pangulo ay bahagi ng ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatic relation ng dalawang bansa. (Anna Gob)

PCO