
Itinaas ng PAGASA ang Signal No. 5 sa silangang bahagi ng Babuyan Islands dahil sa Super Typhoon #EgayPH.
Sa ilalim ng Signal No. 5, sinabi ng PAGASA na makararanas ang mga residente ng napakalakas na bagyo at napakalakas na hangin na mahigit 185 km/h sa loob ng hindi bababa sa 12 oras.