Inaresto ng pulisya ang isang mangingisda dahil sa pagkakatay umano ng aso sa Barangay Bignay 1 sa Sariaya, Quezon noong Miyerkoles, Hulyo 19.
Kinilala ni Sariaya police Chief Police Major Romar Pacis ang suspek na si Renato Castillo, 51-anyos.
Sinabi ni Pacis na nagtungo sa Del Prado Beach Resort, Sariaya, Quezon si Alicia Peduche, 63-anyos ng Barangay Calios, Santa Cruz, Laguna, kasama ang mga kamag-anak at dalawang aso nito para sa isang swimming party noong Martes, Hulyo 18.
Nang maglaon, napansin ni Peduche na nawawala ang isa sa kaniyang mga aso, na nag-udyok sa kaniya na ipaalam sa staff ng resort at magsagawa ng paghahanap.
Nag-post siya ng larawan ng aso sa social media at nag-alok ng P5,000 reward para sa sinumang makapagbabalik ng aso.
Noong Miyerkoles ng umaga, nakatanggap ng impormasyon ang mga kamag-anak ni Peduche na ang hayop ay kinakatay ni Castillo at kasama nitong si “Bunso,” sa Sitio Puntor, Barangay Bignay I.
Si Peduche at ang kaniyang mga kamag-anak ay tumuloy sa lugar at natagpuan ang mga labi ng aso.
Iniulat niya ang insidente sa Sariaya police na siyang nakahuli sa suspek.
Nagawa namang makatakas ni Bunso at ngayon ay tinutugis ng mga otoridad.
Si Castillo ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10631 (An act amending certain sections of RA 8485 (Animal Welfare Act of 1998).
File Photo/Daily Express