
SAN ANDRES, Quezon- Patay ang mag-asawa at sugatan ang kanilang anak at apo matapos mabangga ng ambulansya ng munisipyo ang kanilang motorsiklo sa Sitio Yuyuan, Barangay Camflora ng bayang ito noong Sabado ng umaga, Hulyo 22.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Felix Duaso, 49-anyos at ang kaniyang asawang si Thelma, 48-anyos.
Sugatan naman ang kanilang anak na si Ferdie, 18-anyos at apo na si Mark James, 6-anyos.
Ang mga biktima na pawang mga residente ng Barangay Ilaya Poblacion ng naturang bayan ay tumama sa semento habang nahulog ang ambulansya sa isang open line canal.
Ang driver ng ambulansya na si Ricardo Lihay Lihay, 43-anyos ay patungo sa barangay upang i-vulcanize ang gulong ng ambulansya nang mangyari ang insidente.




Idineklarang patay sa ospital sina Thelma at Felix dahil sa matinding pinsala habang nasa stable na kondisyon sina Ferdie at Mark sa Quezon Medical Center sa Lucena City, Quezon.
Si Lihay Lihay ay inaresto ng pulisya at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide, multiple physical injuries, at damage to property. (Anna Gob)
Quezon PNP PIO