TAYABAS CITY, Quezon- Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Pamahalaang Panlalawigan at Department of Health Treatment and Rehabilitation Center-Bicutan nitong Miyerkoles, Oktubre 18 sa lungsod na ito.
Sa mensahe ni Governor Helen Tan, ang paggamit ng ilegal na droga umano ang pangalawang suliranin ng lalawigan ng Quezon.
Ayon pa kay Governor Tan, layon ng kasunduan na magkaroon nang mas maayos na sistema pagdating sa pagpapagamot at rehabilitasyon ng mga drug dependents.
“We promise and commit to the Province of Quezon sa harap ni Governor Doktora Helen Tan na pagtutulungan namin sa abot at higit ng aming makakaya na mapabuti ang kalagayan ng mga pasyente sa Quezon,” ayon naman kay DOH TRC Chief of Hospital Dr. Alfonso A. Villaroman.
Dumalo sa MOA signing ang 50 kalahok, kabilang ang mga alkalde sa lalawigan, Municipal Health Officers, Municipal Social Welfare and Development Officers, at Provincial Health Office (PHO).
Anna Gob
: Quezon Pio