GENERAL NAKAR, Quezon- Tumanggap ng P40,000 cash incentive mula sa lokal ng pamahalaang ito ang isang lolo na may edad na 95 taong gulang noong Martes, Oktubre 17.
Personal na iniabot ni Mayor Esee Ruzol at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang insentibo kay Lolo Marcial.
Ayon sa LGU, bago pa man umabot sa edad ng sentenaryo ay binibigyan na ng insentibo ang mga iginagalang na nakatatanda bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa bayan.
Ang nasabing cash incentive ay para sa mga senior citizens na nasa edad 90, 95, at 100 taong gulang.
Anna Gob
General Nakar, Quezon