
Hindi na nakapalag sa pulisya ang isang lola na kabilang sa “drug watch list” noong Linggo (Hulyo 16) at pagkakasamsam ng mahigit P2,835,600 halaga ng shabu o crystal meth sa isang buy-bust operation sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City.
Inaresto ng mga miyembro ng Quezon Police Drug Enforcement Unit (QPDEU) si Julieta Maruhom, 63-anyos dakong 1:58 ng madaling araw matapos umanong magbenta ng P10,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isang undercover na pulis sa Barangay Ibabang Dupay ng naturang lungsod.
Nakumpiska ng mga operatiba kay Maruhom ang 10 plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 139 gramo na nagkakahalaga ng P945,200 ayon sa ebalwasyon ng Dangerous Drugs Board, digital weighing scale at isang mobile phone na isasailalim sa digital forensic examinations upang matukoy ang mga transaksyon sa droga.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang pinagmulan ng ilegal na droga.
Nasa kostudiya na ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa R1 9165 o Comprehensive Drug Act of 2002. I Anna Gob