Aabot sa 17 Persons Deprived of Liberty o PDLs ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Quezon District Jail ang nakapagtapos ng elementarya at high school sa pamamagitan programang Alternative Learning System o ALS sa ilalim ng Department of Education (DepEd) kamakailan.
Sa nasabing bilang, 13 dito ang ang nakapagtapos ng high school habang apat naman ang nakapagtapos ng elementarya.
Dumalo sa nasabing programa ng mga kinatawan ng DepEd Pagbilao 1 District at pamilya ng mga nagsipagtapos na PDLs.
Sinabi ni District Jail Warden, Jail Supt. Jack Lord Cariรฑo na ang programa sa edukasyon na ipinagkaloob sa mga PDLs ay bahagi ng makataong pangangalaga at pagpapaunlad sa mga kliyente ng BJMP para sa magandang kinabukasan sa kabila ng kanilang pagkakakulong hanggang sa makalabas na ito at makapamuhay ng normal.
Inihayag naman ni Sheena Kae Hampac, isang instructional manager na ang mga PDLs nagsipagtapos ang patunay na walang hahadalang sa pag-abot ng mga pangarap.
Ang ALS ay isang programa ng DepEd na naglalayong matulungan ang mga Out of School Youths, may kapansanan, mga bilanggo, dating rebelde, mga katutubo at iba pag tao na hindi nakapasok sa paaralan ngunit nagnanais matuto at makatapos ng pag-aaral. I via Anna Gob
#dzdg#destinyradio#persondeprivedofliberty#quezonprovince#bjmp#deped