
Inihayag ni Undersecretary Department of Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo, na karamihan sa mga school supplies ay tumaas ng mahigit piso.
Aniya, dahilan ng mga manufacturers ang pagtaas ng presyo ng mga raw materials.
Payo naman ng opisyal sa mga magulang na bumili ng naka-bundle na school supplies dahil mas mura ito kaysa sa tingi.
Sinigurado naman ng ahensiya na patuloy silang nag-iikot sa mga tindahan at pamilihan upang matiyak na walang nagsasamantala sa pagtaas ng presyo nito. (Anna Gob)