
Ilulunsad ng Department of Education o DepEd ang revised K-10 curriculum sa Agosto, ayon kay Education Undersecretary Michael Poa.
Pahayag ni Poa, na nauna ng narepaso ang K-10 curriculum at kasalukuyang sinusuri ang senior high school curriculum na Grade 11 at 12.
Gayundin, muling iginiit ng opisyal ng DepEd ang pagsasagawa ng two-tracked approach upang malutas ang isyu ng kakulangan sa silid-aralan.
Bukod sa mga reporma sa curriculum at pagtatayo ng mga silid-aralan, palalakasin din ng kagawaran ang School-based feeding program.
Bukod sa pagbibigay ng tamang nutrisyon sa mga mag-aaral, target din ng programa na mabawasan ang mataas na dropout rate.
Para naman sa work load ng mga guro, sinabi ni Poa na ang departamento ay maglalabas ng mga alituntunin sa pagbabawas ng mga gawaing administratibo ng mga guro. Plano rin ng ahensya na maghire ng mga non-teaching personnel upang mabawasan ang paper works ng mga guro. (Anna Gob)