Naaresto ng tropa ng 85th Infantry “Sandiwa” Battalion (85th IB) , 201st Infantry Brigade (201Bde), at Philippine National Police (PNP) ang dalawang kilalang lider ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army o CPP-NPA sa pamamagitan ng warrant of arrest sa Purok Banaba, Brgy. Caridad Ibaba, Atimonan Quezon kamakailan.
Kinilala ang mga pinuno ng CPP-NPA na sina Miguela Peñero alyas “Migs” o “Lala”, political guide at Leader ng Guerrilla Combat Unit ng Provincial Committee at Rowena Dasig alyas “Rian”, dating pinuno ng Regional Medical Staff, Regional Operations Command, South Tagalog Regional Committee sa ilalim ng NPA.
Nakarekober din ng mga tropa ng gobyerno ang mga bala, baril, at mga pampasabog.
Pinuri ng pamunuan ng Philippine Army ang 85th IB at PNP bilang counterpart sa kanilang walang humpay na pagsisikap na tapusin ang insurgency sa bansa at nagresulta sa pagkakahuli ng dalawang lider ng CPP-NPA sa Quezon. I Anna Gob
Philippine Army
#dzdg#destinyradio#85thinfantrybattalion#notocppnpa#calabarzon#quezonprovince