
Naghain si Quezon Rep. Mike Tan ng dalawang panukalang batas na bahagi ng priority legislative agenda na inilatag ng Pangulong Ferdinand Marcos. Jr. sa kaniyang State of the Nation Address o SONA.
Inihain ni Tan ang mga hakbang isang araw pagkatapos ng SONA.
Isa ang Tatak Pinoy o Proudly Filipino bill na naglalayong isulong ang mga lokal na produkto.
Sinabi ni Tan na titiyakin nito na ang mga produktong gawa sa Pilipinas ay makikilala sa buong mundo. Layunin ng batas na ito na mapalago at mapalakas ang ekonomiya ng bansa at maghahatid ng kaunlaran sa mga Pilipino.
Ang ikalawang panukalang batas na inihain ni Tan ay ang panukalang Anti-Agricultural Smuggling na naglalayong taasan ang multa para sa smuggling ng mga produktong agrikultura.
Layunin ng batas na ito na dagdagan ng parusa ang mga hoarders, pagpapatong ng malaking tubo, at kartel na sangkot sa economic sabotage. (Anna Gob)
Atorni Mike Tan