
Inihayag ni General Luna Mayor Matt Florido kamakailan na magkakaroon na ng sapat na supply ng tubig ang mga residente na nasa Pablacion at San Jose.
Pinagunahan mismo ni Mayor Florido ang ocular inspection katuwang ang Municipal Engineering Office at contractor upang matiyak na ang proyeto ay maipatutupad nang maayos.
Sinabi pa ng alkalde na ang proyekto ay mula kay Quezon Rep. Reynan Arrogancia na magsusupply ng 24 oras na daloy ng tubig.
Sinabi ni Florido na titiyakin ng proyektong ito na dadaloy ang tubig sa mga tahanan 24-oras.
Pinasalamatan din ng alkalde ang Department of Public Works and Highways Quezon sa kanilang inisyatiba. (Anna Gob)
Mayor Matt Florido