
Ilalahad ni Quezon Governor Dr. Angelina ‘Helen’Tan ang kaniyang State of the Province Address (SOPA) sa Lunes, Hulyo 31.
Asahang ilalahad ni Gov. Helen Tan sa kaniyang SOPA ang napagtagumpayan na programang HEALING na kumakatawan sa usaping health, education, agriculture, livelihood, infrastructure, nature and environment, at good governance.
Ibibida rin ng gobernadora ang mga magpapatuloy at pinaplanong proyekto at programa ng pamahalaang panlalawigan.
Si Gov. Tan, ang kauna-unahang nahalal na babaeng gobernador sa lalawigan ng Quezon na umupo sa kapitolyo ng probinsiya noong Hulyo 2022.
Mapapanood din ang SOPA ng gobernadora sa Doktora Helen Tan official FB Page at Provincial Government of Quezon Facebook Page. (Anna Gob)
Dr. Helen Tan Facebook Page