
LUCENA CITY, Quezon- Nananatiling stranded sa Port of Lucena ang nasa 208 na pasahero nitong Martes ng umaga, Hulyo 25 ayon sa Facebook Post ng Philippine Port Authority (PPA).
Aabot naman sa 16 pribadong sasakyan at isang ambulansya na patungong Marinduque at Romblon ang nasa labas ng marshalling area ng pantalan.
Nananatiling suspendido pa rin ang biyahe ng mga sasakyang-pandagat sa Quezon Province and Marinduque na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1.
Samantala, namahagi ng lugaw at pandesal ang PTB Operator Moriones Port Trading Services Inc. para sa mga stranded na pasahero sa Port of Lucena. (Anna Gob)
Ppa Pmo Marquez