
Pormal na binuksan ang isang 2-story newly-constructed Salinas PNP Substation sa Lucena City nitong Martes, Hulyo 25 bilang bahagi ng pagpapaigting ng police visibility sa lungsod.
Pinangunahan ni Mayor Mark Don Victor Alcala ang seremonya katuwang sina Regional Director-PRO4A PBGEN Carlito Gaces, Provincial Director PCOL Ledon Monte at PLTCOL Ruben Ballera, OIC-Lucena PNP.
Dumalo rin sa naturang pasinaya si Chun Chua, donor ng lupang pinagtayuan ng naturang gusali.
Ang bagong pasilidad ay pangwalo na sa lungsod. (Anna Gob)

Lucena City Government