
CANDELARIA, Quezon- Isang 48-anyos na contractor ang dead on the spot noong Miyerkoles ng umaga, Hulyo 19, sa Barangay Poblacion ng bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Cornelio Cuevas, residente ng Sitio Labak ng naturang bayan.
Ayon sa imbestigasyon, nasa loob ng kaniyang sasakyan na nakaparada sa kalsada si Cuevas nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki at nagpaputok ng baril na ikinamatay ng biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang limang fired cartridge case para sa kalibre .45.
Nagsasagawa ng manhunt operations ang pulisya laban sa mga armadong lalaki. I via Anna Gob