
Aabot sa 868 dating miyembro ng rebeldeng grupo ang nakatanggap ng community-based package of assistance na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa bayan ng Lopez, Quezon kamakailan.
Sa ilalim ng programa, tumanggap ang bawat benepisyaryo ng P4,700 suweldo para sa sampung araw na community service sa iba’t ibang barangay.
Binigyang-diin ni Lieutenant Colonel R Johnson, Commanding Officer ng 85th Infantry Battalion na patuloy ang pagpapaigting ng pagtutulungan at pakikipag-ugnayan ng otoridad sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga dating rebelde.
Muling nanawagan si Johnson na patuloy ba suportahan ang pamahalaan sa pagpapanatili ng lalawigan bilang insurgency-free o Stable Internal Peace and Security. I via nna Gob
85th IB