Namahagi ng ayuda ang Department of Agriculture sa 65 na magsasaka ng Tiaong, Quezon nitong Martes, Hulyo 18.
Ito ay sa ilalim ng programa ng kagawaran na Agricultural Inputs as Rehabilitation Program at Project for Typhoon Affected farmers.
Pinangunahan ni Mayor Vincent Arjay Mea, Municipal Agricultural Office sa pamumuno ni Mam Zenaida Amargo at ng Department of Agriculture – Region IV ang naturang pamamahagi.
Nakatanggap ng 130 bag ng urea, 130 bag ng complete fertilizer at 130 bag ng corn seeds ang mga magsasaka
Tumanggap din ng mga kagamitan sa pagsasaka ang mga vegetable farmers.
Ang mga nabanggit na magsasaka ay kabilang sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng noong nakaraang taon.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Mea para sa tulong na kanilang natanggap. I via Anna Gob
Tiaong Pio