
Inianunsyo ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Tayabas sa publiko na ang sidewalk clearing operations ay magsisimula ngayong Lunes, Agosto 7.
Pangungunahan ng Anti-Road and Sidewalk Obstruction Task Force ang naturang operasyon upang alisin ang anumang nakaharang sa mga bangketa at kalsada.
Hindi rin makalulusot sa task force ang mga iligal na nakaparadang sasakyan.
Pinayuhan ng pamahalaang lungsod ang mga residente na simulan na ang pagtanggal ng mga bagay na humaharang sa mga pampublikong lugar.
Sinabi rin nito na simula Agosto 14, magsisimula na itong maglagay ng mga tire lock sa mga sasakyang nasa “no parking zones.”
Ang nasabing operasyon ay nakabatay sa Presidential Decree 17 o ang Revised Philippine Highway Act, na labag sa batas para sa sinuman na gamitin ang anumang bahagi o i-convert ang anumang bahagi ng pampublikong kalsada para sa kaniyang sariling kapakanan. (Anna Gob)