
GENERAL LUNA, Quezon- Pinatunayan ng 4th Class Municipality na hindi pahuhuli ang kanilang bayan sa pag-unlad matapos ilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang ranking sa Cities and Municipalities Competitive Index Award. Mula sa ika-654 ranking, tumalon ang bayan ng General Luna sa ika-50 na puwesto. Ayon kay Mayor Matt Florido, ang paglago ng ekonomiya ng munisipalidad ay indikasyon ng isang matino at mahusay na pamamahala. Ipinagmalaki rin ng alkalde na prayoridad ng lokal na pamahalaan ang mga proyekto para sa pagbibigay ng episyenteng serbisyo, pagbuo para sa matatag na pamayanan, maayos na gawain at proyektong imprastraktura at pagsasabuhay ng malikhaing pamamahala. Ang rankings ng Cities at Municipalities ay base sa kabuoang score mula sa limang pillars na kinabibilangan ng economic dynamism, government efficiency, infrastructure, resiliency at innovation. (Anna Gob)