
GUMACA, Quezon- Patay ang isang 26-anyos na lalaki matapos mabundol ng isang Isuzo closed van sa Barangay San Vicente ng bayang dakong 5:50 ng hapon noong Sabado, Oktubre 14. Kinilala ang biktima na si “Francis”, 26-anyos, isang bank teller ay nagtamo ng matitinding pinsala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan. Agad na isinugod ang biktima sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival. Kusang sumuko ang driver at nasa kustodiya na ng pulisya. Patuloy naman ang imbestigasyon ng otoridad hinggil sa naturang aksidente. (Anna Gob)