
MANILA- Inihayag ng National Telecommunication Commission (NTC) nitong Martes, Hulyo 25 na umabot sa 105,260,340 ang kabuoang Subscriber Identity Module (SIM) registrants.
Ayon sa pinakahuling update noong July 23,malaki ang itinaas ng nagparehistro kumpara sa huling datos noong July 21 kung saan nakapagtala ang Department of Information and Communication (DICT) ng 104,334,729 registrants.
Sa naturang bilang, 48,019,084 ang subscribers ng Globe Telecom, Inc. habang ang Smart Communications Inc.ay nakapagtala ng 49,740,428 at 7,500,828 para sa DITO Telecommunity Corporation.
Ang pagpaparehistro ng SIM Card ay nagtapos kahapon ng Martes, Hulyo 25. (Anna Gob)