Inaresto ang isang kapitan ng barangay dahil sa umano’y pagbebenta ng mga ilegal na baril sa Brgy. Wakat, Nagcarlan, Laguna kamakailan.
Kinilala ng otoridad si Renato Acosta, 61-anyos at residente ng naturang barangay.
Naaresto si Acosta matapos magbenta ng rifle sa isang undercover agent ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Batangas.
Narekober mula sa suspek ang isa pang rifle, isang pistol, mga bala, cellphone, at mark money na ginamit sa nasabing operasyon.
Si Acosta ay kasalukuyang nakadetine sa custodial facility ng Batangas CIDG para sa tamang disposiyon nito. I via Sol Luzano