Skip to content

DESTINY RADIO 96.7 FM

News and music radio station located in Brgy. Calumpang, Tayabas City

Primary Menu
  • Home
  • Live Streams
  • Weather Updates
  • International
  • National
  • Regional
  • Local
  • About us
Videos
  • Home
  • Regional News
  • Lalaki, sugatan sa pamamaril, suspek arestado sa Batangas
  • Regional News

Lalaki, sugatan sa pamamaril, suspek arestado sa Batangas

Destiny Radio July 17, 2023 1 min read

Hindi na nakapalag sa otoridad ang mga suspek na bumaril sa isang 32- anyos na lalaki sa Barangay Gulod, Calatagan, Batangas noong Sabado ng hapon, Hulyo 15.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office, kinilala ang biktima na si Arlex Tameses Parra, may asawa, walang trabaho habang ang nahuling mga suspek ay sina Angelo Urcia y Ilustre, 54-anyos, may asawa, magsasaka at Larry Kevin Urcia y Garcia,30-anyos, walang asawa at pawang residente ng naturang bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, habang ang biktima ay nasa kusina ng kanilang bahay, dumating ang mag-amang suspek at bigla na lang binaril ang biktima ng ilang beses.

Nagtamo ng tama ng bala sa tiyan, dibdib at braso ang biktima na agad namang naisugod sa Calatagan Medicare Hospital.

Tumakas ang mga suspek sa hindi pa matukoy na direksyon gamit ang kulay itim na motorsiklo.

Agad na ikinasa ng Calatagan Municipal Police Station ang isang hot pursuit operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek sa Brgy, Lanatan, Balayan, Batangas.

Narekober sa mga suspek ang isang baril na umanoy ginamit sa pamamaril at motorsiklo na ginamit sa pagtakas.

Isasailalim sa Ballistic Examination ang narekober na baril habang ang mga suspek ay nasa kostudiya na ng pulisya at nahaharap sa kasong Frustrated Murder. I via Anna Gob

Continue Reading

Previous: P10-M halaga ng pasilidad, pinasinayaan ng Department of Agriculture sa Batangas
Next: Kapitan ng barangay, timbog sa pagbebenta ng baril sa Nagcarlan

Related Stories

Blessing, turn-over ng mga sasakyan, isinagawa sa Police Regional Office 4-A
1 min read
  • Regional News

Blessing, turn-over ng mga sasakyan, isinagawa sa Police Regional Office 4-A

October 23, 2023
Higit P6-M halaga ng shabu, nasabat sa isang online seller sa Lucena City
1 min read
  • Regional News

Higit P6-M halaga ng shabu, nasabat sa isang online seller sa Lucena City

October 17, 2023
Food Assistance, ipinamahagi sa mga PWDs sa Sariaya, Quezon
1 min read
  • Regional News

Food Assistance, ipinamahagi sa mga PWDs sa Sariaya, Quezon

October 16, 2023

Recent Posts

  • ORIGINAL 10
  • Usapang Ex | Tadhana Talks
  • Does Looks Really Matter? | Tadhana Talks
  • Mabahong Hininga o Mabahong Kilikili? | Tadhana Talks
  • Usapang Utang | Tadhana Talks

You may have missed

ORIGINAL 10
1 min read
  • Local News

ORIGINAL 10

July 10, 2025
Usapang Ex | Tadhana Talks
1 min read
  • DJ

Usapang Ex | Tadhana Talks

July 10, 2025
Does Looks Really Matter? | Tadhana Talks
1 min read
  • DJ

Does Looks Really Matter? | Tadhana Talks

July 10, 2025
Mabahong Hininga o Mabahong Kilikili? | Tadhana Talks
1 min read
  • DJ

Mabahong Hininga o Mabahong Kilikili? | Tadhana Talks

July 10, 2025
Copyright © All rights reserved. 2024 | MoreNews by AF themes.