SARIAYA, Quezon- Aabot sa 430 Persons with Disabilities (PWD) ang tumanggap ng food assiatance sa bayang ito noong Lunes, Oktubre 14. Pinangunahan ni Mayor Marcelo Gayeta ang naturang pamamahagi bilang bahagi ng kaniyang ika-47 na kaarawan noong Lunes, Oktubre 14. โKesa maghanda po ako ay ibibigay ko na lamang po ito para sa mga kababayan po nating may kapansanan upang tayo ay mayroong matulungan,โ pahayag ni Mayor Gayeta. Katuwang ni Gayeta sa naturang pamamahagi ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSDWO). Bukod dito ay nagbigay din si Mayor Gayeta ng P200 pesos sa bawat benepisyaryo at P20,000 para sa raffle. (Anna Gob)