CAMP BGEN VICENTE P LIM, Laguna – Pinangunahan ni PBGenPaul Kenneth T Lucas ang blessing at turn-over ng mga bagong sasakyan ng Police Regional Office 4-A sa Multi-Purpose Center Building sa lalawigang ito nitong Martes, October 17.
Layon nito na protektahan ang mga mamamayan, mapaigting ang kapayapaan, at kaayusan sa Calabarzon.
Binigyang diin ni PBGen Lucas na ang mga ipinamahaging sasakyan ay hindi lamang magsisilbing transportasyon ng mga kapulisan.
“With these new assets, we can more effectively address emergencies, respond to incidents, and maintain a visible and proactive presence within our community,” dagdag ni Lucas.
Ang dalawang unit na Mitsubishi Strada ay ibinahagi sa Regional Mobile Force Battalion 4A at 2nd Provincial Mobile Force Company ng Laguna Police Provincial Office (PPO).
Samantala, ang 30 units ng Toyota Hilux patrol jeeps ay ibinigay sa police stations ng Cabuyao, San Pablo, Calamba City, at Lumban Municipal Police Station mula Laguna PPO, Atimonan, Guinayangan, Quezon Municipal Stations at Tayabas City Police Station sa Quezon PPO at Antipolo City Police Station sa Rizal.
Anna Gob
: Police Regional Office 4A FB Page