LUCENA CITY, Quezon- Arestado ng mga otoridad ang isang babaeng online seller sa ikinasang buy-bust operation at nakumpiska ang mahigit sa P 6 na milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Purok Mangga 2, Barangay Mayao Crossing ng lungsod na ito kamakailan. Kinilala ni PLt. Col. Ruben Ballera Jr., Lucena City Chief of Police ang naaresto na si alias “Cha”, 35-anyos, dalaga, residente ng Blk.12 L13 at 14 Maurice St. Jude 4A, Mayao Crossing at kabilang sa high value individuals (HVI) ng Provincial Police Office (PPO). Narekober sa suspek ng isang piraso ng P1,000 marked money, 10 piraso ng P1,000 boodle money at 32.53 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P663,612.00. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002. Anna Gob