CANDELARIA, Quezon- Isang imbakan ng mantika ang nilamon ng apoy dakong alas-11 ng umaga sa Lanete Street Brgy. Pahinga Norte ng bayang ito noong Lunes, Oktubre 16. Ayon sa ulat, nagluluto ang kasambahay na si Jerwin Escobar na pag-aari ni Dionisio de Leon nang mapabayaan ang apoy at agad na sumiklab ang sunog. Agad na romesponde ang Bureau of Fire Candelaria at ideneklarang fireout dakong alas-11 ng umaga. Wala namang naitalang nasawi o nasaktan sa pangyayari. Sa kasalukuyan, inaalam pa ang kabuong halaga ng nasunog na ari-arian.
: Anna Gob
: Ringdo Brucal