Inilahad ni Lucena City Mayor Mark Alcala ang kaniyang 1st State of the City Address o SOCA sa Lucena City Government Complex nitong Lunes, Hulyo 31.
Ayon kay Mayor Alcala, tagumpay ang tax amnesty program, pagkolekta ng national tax allotment, at mga lokal na mapagkukunan.
Binibigyang-diin rin ng alkalde ang makabuluhang paghahatid ng mga serbisyong panlipunan sa mga mamamayan ng Lucena gamit ang pagbabalangkas ng mga proyekto at programa para sa pag-unlad ng lungsod.
Inihayag din niya ang pag-upgrade ng frontline at mga serbisyo ng mga empleyado.
Inihayag din ng alkalde ang mga nagawa ng kaniyang mga pinuno sa bawat departamento.
Screengrab from Lucena City PIO