Sasalubong ngayong Martes, Agosto 1 sa mga motorista ang malaking pagtaas sa presyo ng petrolyo.
Sa magkahiwalay na advisories, sinabi ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), Pilipinas Shell Petroleum Corp., at Seaoil Philippines Corp. na magtataas sila ng presyo kada litro ng gasolina ng P2.10, diesel ng P3.50, at kerosene ng P3.25.
Nag-abiso rin ang Cleanfuel, Phoenix Petroleum Philippines Inc., PTT Philippines Corp. na magpapatupad ng pagtaas ngunit hindi kabilang ang kerosene sa dagdag presyo.
Magkakabisa ang taas-presyo dakong alas-6 ng umaga ngayon para sa lahat ng kumpanya maliban sa Caltex na mag-a-adjust ng mga presyo sa 12:01 a.m., at Cleanfuel sa 4:01 p.m.