
Ilulunsad ng administrasyon ang Lifeline Rate program sa Setyembre ngayong taon upang matulungan ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o mga customer na nasa ilalim ng poverty threshold, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Maaaring mag-apply ang mga kwalipikadong pamilya ng kanilang Lifeline Rate Application Form at isumite ang mga ito sa distribution utility o electric cooperative kasama ng kanilang singil sa kuryente at government ID.
Ang mga pamilyang kabilang sa poverty threshold ay kinakailangang magsumite ng certification mula sa lokal na Social Welfare and Development Office (SWDO) na inisyu sa loob ng huling anim na buwan sa oras ng kanilang aplikasyon.
Ang mga benepisyaryo na kumukunsumo ng zero hanggang 20 kilowatt-hours ay mabibigyan ng 100 porsiyentong diskwentomaliban sa fixed metering charge na P5.”
Ibig sabihin, humigit-kumulang P20 lang ang babayaran mula sa kanilang mga singil sa koryente, ngunit kung hindi nila ma-secure ang mga rate ng lifeline, kailangan nilang magbayad ng higit o mas kaunting P250.
Ang mga customer na gumagamit ng 21-50 kWh ay magbabayad lamang ng P300, habang P550 naman para sa mga hindi nakapag-apply ng lifeline rate at humigit-kumulang P523 naman sa mga komukunsumo ng 51-50 kwh
Ang mga may 71-100 kWh usage ay magbabayad lamang ng P904.21, ngunit magbabayad ng undiscounted rate na P1,099.10, kung hindi sila mag-apply para sa lifeline rates.
(Anna Gob)