Nakibahagi ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pagsisikap ng national government na labanan ang malnutrisyon.
Dumalo si Quezon Gov. Helen Tan sa paglulunsad at paglagda ng Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP) ng Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang PMNP ay naglalayon na tugunan ang malnutrisyon ng mga bata upang matiyak na sila ay makakakuha ng masustansyang pagkain.
Dumalo rin sa paglulunsad ang mga alkalde ng lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Quezon upang ipakita ang kanilang suporta sa programa. (Anna Gob)
: Dr. Helen Tan